|
}} WONDERS
|
|
|
Profile
Listen.
|
Day 2...
Wednesday, November 24, 2010
4:13 AM
wala naman espesyal na nagyari ngayong araw..as usual, late nanaman ako. hehehe. kasalanan ko bang tamarin ako bumangon sa malamig na umaga? ikaw kaya testing mo. hehehe. ewan ko ba, kung di ko lang kailangan mag-trabaho eh di bonggang bonggang taong-bahay ako. hehehe. kaw ano ginagawa mo dyan? kumakaen ka na ba ng chocolates? :) enge naman, kaso wag madami ha, kasi nagda-diet na ko. :P thursday na bukas pero tinatamad ako pumasok kaso lang hindi pwede.. una, pay day kaya dapat sipagin ako. hehehe. pangalawa, magagalit si mama kasi di nanaman ako papasok :P hahaha. pangatlo, meron daw parang team contest na pagandahan ng christmas decors ng station, hehe may premyo daw na 1,500. nga pala grabe, sabi ng mga kasamahan ko sa work friday pa daw ang 13th month? ibig sabihin ba nun friday pa din ang corby ko? :(( huhuhuhu. ano ba yan. at eto pa, yung christmas party namin pati yung kpop convention magkasabay na date gagawin. huhuhu. pano yan? hahatiin ko na ba ang katawan ko? kawawa ka naman pag ganun. hahahahaha. pano kaya bukas? sira nanaman yung earphone ko, buti na lang nakita ko yung war machine mong earphone dun sa isang brown envelope na naiwan mo dito sa bahay, hehehe. napapakinabangan pa naman kaso mahina ang sounds, pero pwede na din yun di ba, kesa naman wala. uy, ano na? uuwi ka na ba? hehe. nagtatanong lang ako ha, di kita minamadali kasi di naman kita nami-miss :) hehehe. kaen ka lagi ng maayos dyan ha, wag ka magpapalipas ng gutom. sorry ha, wala ako masyadong kwento ngayon di bale, kwentuhan naman ulit kita bukas, DAY 3 naman :) p.s. sa mga susunod kong post try ko maglagay ng picture :) hehehe Labels: random |