}} WONDERS

» chx » mak
Profile
ang blog na ito ay ginawa para sa pribado at patuloy na komyunikasyon sa taong di maarok ng tanaw at di makadaupang palad.



Listen.
Day 1...
Tuesday, November 23, 2010 2:48 AM
hello! :)

eto yung blog ko, pero hindi sa'kin. hehehe. blog ko, ako yung may-ari, sa'kin yung account pero hindi sa'kin nakapangalan. ginawa ko 'to para 'di na sya magtatanong ng mga nangyari sa'kin araw-araw, para kunyari andito pa din sya. sino ba yun? ewan, di ko rin kilala. hehehe. basta ta-try ko 'di mag-english baka kasi di nya maintindihan. hehehe. ano ready ka na ba?

ok, game.


nagsimula ang lahat nung gumising ako kaninang umaga, mga 3:30am. lintek! sabi na eh. nag-alarm pa naman ako ng cellphone kagabi, sabi ko gigising ako ng 12mn kasi sabi nya tatawag sya, eh bakit kasi malamig 'pag gabi? ayun, super knock-out ako. eh anong oras ba ako natulog, gabi na rin. haaaay. hayaan na nga, ayun...

papasok na ko ng skul... skul????!!! hahahahaha. syet. work pala, sorry :) feeling ko kasi lagi napasok ako sa skul tuwing umaga. ayun, nasanay ako nagtetext, nagpapaalam; "pasok na po, labyuuuu." naalala ko, marereceive nya ba yun, eh sarado cellphone nya? hehehe.

lumipas ang ilang oras. grabe, ang tagal. as in super TAGAL!!!!!! grabe, lalo lang talaga ako tinatamad. pwede bang mag-trabaho na bayaran ka na lang tapos wala kang ginagawa? maski vampire diaries tinatamad na ako basahin, vampire na kasi si elena. hehehehe. ayun, wala naman nangyari, tagal nya kasi magtext. hehehehe. ok lang di ko naman sya namimiss, kasi sabi nya wag ko sya mamiss. EH DI WAG!!!!! >.<

ano ba yan, sa loob ng 4 months, ngayon lang ako tinamad kumaen kasi ako lang mag-isa. ngayon ko lang na-realize na lonely pala kumaen lalo na pag wala ka naman ka-share. hehe. eh pano na yan pag pay day? ide-date ko mag-isa yung sarili ko?! hehe. ok na lang din kasi, at least wala na ako ili-libre sa pagkaen. wahahahahaha! di ako madamot ha! :) gutom lang ako lagi kaya di kasya kapag may humihingi :P

uwian. uuwi na ako. wala akong uwian-buddy kasi wala si ate leah, naka-confine na kasi sya kasi ooperahan na sya sa bato. baka by december pa ulit ako may kasabay, ang lungkot naman. EMO nanaman ako sa bus. kawawa naman ako. buti na lang may radyo si manong driver sa baby bus nyang bulok. wahahahahaha. pero, in-fairness ang bilis ng byahe, wala pang 1hour, nasa destinasyon agad ako. ;)

di ako dumiretcho ng bahay, dumiretcho ako sa skul. eto totoo na 'to, iskuwelahan talaga, magfu-food trip kasi kami. ayun, busog naman, busog sa kwento at pagkaen. tinatamad na nga ko kumain ng hapunan, eh pano ba ako nabusog eh mga tindang kalye lang naman kung kinain namin, yung chicken. hehehe. masarap naman eh. masarap yung bawal, di ba? sabi nga nila sa sobrang dami ng kinain namin, bukas meron na kaming HEPA. hahahahaha.

malapit na mag-thursday :) bibili na ko ng CORBY wifi. sayang naman, wala sya. di ko sya maiinggit. hehehe. ikaw, naiinggit ka ba? :) ingat jan! bukas ulit, DAY 2 naman.

Labels: