}} WONDERS

» chx » mak
Profile
ang blog na ito ay ginawa para sa pribado at patuloy na komyunikasyon sa taong di maarok ng tanaw at di makadaupang palad.



Listen.
Day 17...
Thursday, December 9, 2010 2:54 AM
minsan sa di sinasadyang pagkakataon, meron tayong natutuklasan na masakit na katotohanan, maraming beses mang itanggi, pero kapag nagawa na ng iba di na natin maiiwasan ang pagdating at pag-usbong ng pagdududa, kahit gaano kayo katagal, kahit gaano kayo katibay, meron at merong darating na ganitong pagkakataon..

--------------------------------------------------------

ipapaalala ko sayo yung mga messages nyo ng kabit mo, ngayon sige sabihin mo sakin kung mali ako..


Mark Anthony Adrales December 8 at 4:32pm
sa medical at kung sansan pa. Mga civil id kya sbhan mo n ung ib.
Kaylan ang alis nyo? Miss na kita bhie

Junalyn Dicasion Matampac December 9 at 4:56pm
miss you too...see u soon
musta naman work jan???hndi ba mhrap?

Mark Anthony Adrales December 8 at 5:02pm
hahahaha uy namiss aq. Tayo n b? Hahaha. Mejo mhrap tlga pero s inyo mejo ayus

Junalyn Dicasion Matampac December 9 at 5:19pm
adik....patawa k
uy ano pa pwede ko dlin jn?

Mark Anthony Adrales December 8 at 5:24pm
lhat pwd. Mga pangangailangan m s katawan. At mga pang isang buwan n pagkaen m ha. Kaylangan m yun. At padala ng kutsyarat tinidor ha. Hehehe yung skin.

Mark Anthony Adrales December 8 at 5:28pm
ay ou nga pla may swiss knife k? Yung mrameng laman s lob n malit lng. Phnge nmn aq thank tlga. Hehehe... Ingat s flight. Love u bhie. Hehehe

Mark Anthony Adrales December 8 at 5:31pm
ay yung picture nga pla blue background. Wag mung klimutan hehehe mhal kc pic nila d2 mga 3kd jan mura lng.

Mark Anthony Adrales December 8 at 8:38pm
TANGINA MO!!! BHIE BHIE KA PANG NALALAMAN DYAN! HOY WAG KANG MALANDI HA!

----------------------------

ang sweet naman ng boyfriend ko, nasan yung thank you na sinasabi mo? ha? sino sinungaling ngayon? alam mo mak, gusto ko maniwala sayo eh, sa totoo lang, pero di ko talaga maisip:

1. bakit bhie ang tawag mo sa kanya,
2. bakit mo sya sinabihan ng i miss you bhie,
3. bakit mo sinabi at tinanong kung kayo na
4. at bakit mo sya sinabihan ng LOVE U!

ok naman sna eh, pero yun lang yung nagpasira ng usapan na to. at yung ang magpapasira satin. alam mo, may tiwala ako sayo alam mo yan, pero ngayon, sa twing iisipin ko na wala ka pa, di ka pa online, di kita kausap, naiisip ko magkasama kayo. ang sakit nun. alam mo yun, yung mismong isip ko yung nagpapakita sakin ng mga ganung bagay kahit di ko naman iniisip, pag pikit ko yun pa din yung naiisip ko. ngayon, sabhin mo nga sakin, sino hindi mag-aalala, sino hindi magagalit? hindi mo alam yung nararamdaman ko nung nabasa ko to at sa tuwing maaalala ko, i felt betrayed, i felt i've been stabbed more than a million times, di mo ko masisisi kung mawalan ako ng tiwala sayo ngayon, pero tinatry ko naman ibalik eh, pero mukhang di yun ganun kadalli.. di ganun.. kahit sabihin mo biruan, masakit pa rin, di mo kasi ako inisip. di mo ko inisip na masasaktan ako, at ang nakakawalangya dun sa nangyari? alam mo kung ano? online ako nyan eh, magkausap tayo habang magkausap din kayo. alam mo yung pakiramdam ng ginagago at tinatanga at the same time? yun yung nararamdaman ko. kaya wag mo kwestyunin yung mga nasasabi ko sayo ngayon, kasi nasasaktan ako. di pala ganun kadali makalimot. hindi sapat yung sangkatutak na sorry mo, di ganun kadali. di ko na alam san ko ilulugar yung utak ko at pagkakasyahin yung sarili ko para mabuo ko ulit yun, kasi kahit anong gawin ko, kulang eh, kasi wala ako jan. sana pag nabasa mo to, sagutin mo yung 4 na tanong ko, kasi ilang beses ko na tinatanong, paulit-ulit lang tayo, kasi di mo sinasagot ng direcho. please lang naman, kahit yun lang, sagutin mo, baka sakali, bumalik tayo sa dati.

Labels: